Kaninang umaga, isa sa mga unang text message na natanggap ko ay ang
text ng isang kaibigan. Humihingi siya ng magandang pick-up line para
magamit sa presentation nila sa client. Kumbaga si client ang babaeng
nililigawan at sila ang lalaking nanliligaw.
Kung noon kasi, usung-uso ang mga love letter at tula para sa
nililigawan, ibang level na ngayon. Ang palipad-hangin kasi ng karamihan
ngayon, hindi na sa pamamagitan ng mga sweet nothings kundi ibinabanat
na lang sa pick-up lines!
Noong una nagkalat lang sa text, tapos may nakita akong blog na puro
pick up line. Sunod sumikat ang kanta ni Nicole Hyala na Mahal Kita Kasi
kaya pati instructor ko sa college bumabanat na rin. Hanggang sa umabot
na ito sa Twitter, sa Facebook, sa iba’t ibang blogs, sa TV, sa radyo
at sa sinehan. Nag-Now Showing ang My Amnesia Girl na mas catchy ang
pick up lines kesa sa plot ng istorya. At nag-anyong tao na nga ang mga
banat na ito sa katauhan ng undefeated na si Boy Pick-up.
Pero sino ba ang nakaisip nito? Nakita ba niya na darating ang araw
na lahat na halos ng tao ganito na mag-usap? Na kapag tinanong ka ng
ganito…iisipin mo pa kung pick-up line ba to o simpleng tanong lang.
May mga sinaunang pick-up lines para sa akin. Ito ‘yong mga naunang
umikot-ikot sa cellphone natin noon at inaliw at pinakilig tayo.
- Ang bastos mo rin ano? Bigla-bigla ka na lang kasing pumapasok sa isipan ko.
- Nasaan ka kagabi? Bakit wala ka sa panaginip ko?
- Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko.
- Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop, bagay tayo. Bagay tayong dalawa.
- Pustiso ka ba? Kasi I can’t smile without you.
- Posporo ka ba? Kasi posporo rin ako kaya MATCH tayo.
- Lupang Hinirang ka ba? Kasi marinig lang kita, napapatigil na ako at napapahawak pa sa puso ko.
- Bangin ka ba? Kasi nahuhulog na ako sa’yo.
- Tumataba ka ba? Unti-unti ka kasing bumibilog at nagiging mundo ko.
- Tapos na ang exams mo, oras na para ako naman ang sagutin mo.
- Seesaw ka ba? Kasi pag wala ka, down ako.
Pati na ang mga kagalang-galang na tao ng lipunan, pumipick-up line
na rin. Gaya halimbawa ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ginamit ang
medium na ito para mas makahikayat ng maraming taga-suporta ng RH Bill.
Bumenta nga ba?
Narito ang ilang nakakaaliw at mataray na banat ni Sen. Santiago:
- “Nakalimutan ko ang pangalan mo eh, pwede bang tawagin na lang kitang akin?”
- “Kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikaw ang axis nito, para sa ‘yo sa lang iikot mundo ko.”
- “Sana naka-off ang ilaw para tayo na lang mag-On.”
- “Sana FB status ka na lang, para pwede kitang i-like.”
- “Noodles ka ba? Kasi Lucky me!”
- “Galing mo din ano? Di mo pa ako binabato tinamaan mo na ako.”
- “Para kang hold-upper, lahat ibibigay ko sa ‘yo ‘wag lang akong saktan.”
- “Nakalunok ka ba ng kwitis? Kasi ngumiti ka may spark.”
- “Nakalimutan ko pangalan mo eh, pwede bang tawagin na lang kitng akin?”
- “Google ka ba? Lahat kasi ng hinahanap ko, sa ‘yo ko natagpuan.”
- “Pangalan mo pa langm kinikilig na ako. Paano kaya kung magkaapilyedo na tayo.”
- “Ano height mo? Paano ka nagkasya sa puso ko?”
- “Masasabi mo bang bobo ako? Kung ikaw lang naman ang laman ng utak ko.”
- “When someone told me “ang ganda mo”, I answered “sana ikaw rin.”
- “Hindi ko sinasabing maganda ako, ang sinasabi ko lang pangit ka.”
- “Straw ka ba? Kasi sip-sip ka na, plastic ka pa.”
At kapag ba ikaw ay binanatan ng ganitong mga linya, magpapabola ka ba?
- Huwag kang masyadong masama. Baka ikulong kita sa puso ko.
- Kung nahihirapan kang maging IKAW, try mong maging TAYO baka mas madali.
- Di lahat ng buhay, buhay. Tignan mo ako, buhay pero patay na patay sayo.
- Was that an earthquake or did you just rock my world?
- Do I know you? Coz you look a lot like my NEXT girlfriend.
- Taxi ka ba? Kasi habang tumatagal napapamahal ako sayo.
- Aanhin pa ang gravity kung sayo pa lang nahuhulog na ako?
- Geometry ba ang favorite subject mo? Kasi kahit anong angle, ang ganda mo eh.
- Sana echo ka nalang, para kapag sinigaw ko sayo na mahal kita. Mabilis ang sagot mo saken maraming beses pa!
- (Nadapa sa harap ng crush) See how I fell for you?
Hindi naman lahat ng pick-up lines ay patungkol sa pag-ibig. May iba, nanonopla at nagpaparinig lang sa iba.
- Para kang chicharon, nakaka-high blood ka!
- Si Antonio Banderas ka ba? Kasi Desperado ka e.
- Kuya, bukod sa mukha mo, ano pang joke mo?
- Sarangola ka ba? Kasi sa malayo ka lang maganda.
- Bagyo ka ba? Kasi ang galing mong manira e.
At ang latest trend ngayon sa arts of pick-up ay ‘yong Boy Pick-up
way. ‘Yong walang konek pero mabenta! Salamat kay Boy Back-up at nauuto
rin si Neneng Bakit :)
Boy Pickup: Hindi ikaw yung taong tipong sinasaktan
Neneng B: Bakit?
Boy Pickup: Dahil matamis ang Champorado!BPU: Sana umulan bukas..
Neneng B: Bakit?
BPU: Kasi Mahirap magbalat ng kamatis!Boy Pick Up: Unan ka ba??
Neneng B: Bakit???
Boy Pick Up: Kasi mainit ang gatasBoy Pickup: Dumbbell ka ba?
Neneng B: bakit?
Boy Pickup: Kasi MAHAL ang Parking!
Boy Pickup: Sugar ka ba?
Neneng B: bakit?
Boy Pickup: Kasi Kilala ko si ELMER!
Neneng B: Sino si ELMER?
Boy Pickup: Kaklase ko nung grade 4…
Konti lang ang mga pick-up line na nandito. Mas marami pa rin ang naglipana sa tabi-tabi na maaari mong mapulot.
Walang malinaw na sagot kung saan nga nagsimula ang ganitong paraan
ng panliligaw at pakikipag-usap. Pero may isa pang magandang bagay akong
nakita rito: nagkaroon ng panibagong kahulugan ang salitang BANAT. Ang
galing lang nating mga Pinoy paikutin ang mga salita. Kung noon ay
pisikal ang naiisip natin mabanggit lang ang salitang banat, ngayon
pwede na ring verbal.
May banat ka ba?
Casinos Near Me - MapYRO
TumugonBurahinGet 화성 출장샵 directions, reviews and information for Casinos Near Me in 의정부 출장안마 Las Vegas, NV. 청주 출장샵 Casinos Near 전라남도 출장샵 Me - MapYRO - Casinos with MapyRO users 속초 출장샵 in your area.